Noong panahon hindi pa lumalabas ang Friendster at Facebook, karaniwang iniipon ng mga networkers ang kanilang mga inimbitahan na kakilala, kaibigan, kapait-bahay, kumpare, kumare, kaklase at kahit hindi kilala ay isasama para magkaroon lang ng prospects sa isang lugar para ipanood ang Business Opportunity Meeting or BOM. Ito ang halimbawa ng Offline Networking or Traditional na pag-iimbita sa isang networking business. Mahirap, magastos, abala at minsan sakit sa ulo dahil ubos na ang pera mo sa kakaimbita pero sa huli hindi mo naman mapapasali sa inyong negosyo. Kadalasan, pagkatapos ng presentation mo ililibre mo pa ng meryenda para lang sumali sa networking mo at kadalasan nila nauuwi sa wala.
Noong February 2004, ng i-launched ang Facebook at ang Friendster na nauna lang sa FB pero nde ito nagtagal dahil mas maraming tao ang mas piniling mag member sa FB at hindi nagtagal lumawak na ito at ngaun halos buong mundo ay gumagamit ng very powerful networking site na ito ang Facebook. Dahil sa mabilis natin naibabahagi ang mga information sa ating mga kaibigan tulad ng mga larawan, video clips, pagbati, announcements at kung anu-ano pa, naging sentro ang Facebook ng maraming taong gumagamit nito. Dito nagsimula ang Online Networking dahil sa mabilis nating napaparating sa maraming tao na hindi lamang sa iisang lugar kundi sa buong mundo na kung anong meron tayo. Sa isang posting mo lang ng ADS, maraming tao ang makakakita nito at mabilis silang gumawa ng comments or magtanong sa kung anuman ang ipinost mo sa iyong Facebook account. Dahil sa very powerful ang pag gamit ng Facebook, dumami ang nating interesado sa Online Networking dahil mas mainam ito gawin kesa Traditional or Offline Networking.
Kahit nasa bahay ka lang,at nag-aalaga ng inyong mga anak, may trabaho ka man o wala, professional or student ka basta may Internet at social networking account gaya ng Facebook, 100% magagawa mo ang Online Networking. Tingnan nyo ang mga Online Sellers, hindi nila kelangan magkaroon ng pwesto sa isang mataong lugar para magbenta ng mga products nila. Gamit ang internet at Facebook, madali silang magkaroon ng mga clients at consumers na palaging nasa Internet.
Kaya sa Online Networking hindi mo kelangan mag convince ng tao para sumali sa inyong negosyo. Sa bawat post mo ng ADS sa Facebook, maaraming tao ang maaabot nito at malaki ang chance na magkaroon ng mga invites at kapag napanood nila ang buong detalye ng negosyo mo sa pamamagitan mga video presentations na uploaded sa Youtube, SKYPE, Vimeo at PowerPoint Presentation mas nagiging effective at productive ang iyong business.